[Poster design by Kia Anarna, Micah Catalan, Sarah Joy Luzon, & Kei Tanabe]
Panahon nanaman ng pangagampanya at alam niyo na kung bakit: sa susunod na taon sa Mayo, gaganapin muli ang eleksyon! Hinihikayat namin kayo magparehistro bago ang ika-31 ng Oktubre 2012 upang makaboto sa Mayo 2013.
Hindi ba kayo nagtataka kung bakit nagkakaganito ang ating gobyerno? Kuntento na ba kayo sa mga pulitikong nakaupo sa posisyon?
Kung gusto mo ng pulitikong tapat, maaasahan, maka-Pilipino, hindi kurakot, at edukado,
e di magparehistro ka na!
Suportahan mo sila gamit ang iyong boto.
Mahalaga at makapangyarihan ang iyong boto,
kaya gamitin mo ito.
Siguraduhing magparehistro bago ang ika-31 ng Oktubre
Pumunta sa http://www.comelec.gov.ph para sa karagdagang impormasyon
Ang galing ni Micah mag-Tagalog. Woooh :-)
ReplyDelete